Umaasa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na maraming manalo sa P1 bilyon ang pot money sa 6/58 Ultra Lotto draw mamayang gabi.
Ito ayon kay Arnel Casas, PCSO assistant general manager for the gaming, product development and marketing sector ay dahil maituturing na phenomenal o record breaking ang nasabing jackpot prize.
Sinabi ni Casas na habang lumalaki ang premyo ay mas dumarami ang tumataya sa Lotto.
Kasabay nito, ipinabatid ni Larry Cedro, assistant general manager for charity sector ng PCSO na halos P5 bilyon na ang kinita ng PCSO mula sa mga taya sa Ultra Lotto at P1. 4 billion dito ay naibigay na nila sa charity.
Mula naman Enero, inihayag ni Cedro na napunta lahat sa charity ang P6 bilyong kinita ng PCSO mula sa lahat ng games.
Nasa mahigit 350,000 ang beneficiaries ng PCSO.
Isang lotto outlet sa Abra napilitan magsara matapos masira ng printer nito
Napilitang magsara ang isang lotto outlet sa Bangued, Abra matapos masira ang printer nito dahil sa dami ng tumataya para sa 6/58 Ultra Lotto draw mamayang gabi.
Kaagad namang naipabatid sa PCSO ang insidente kayat napalitan din ang printer ng nasabing lotto outlet.
Pumapalo sa halos P1 bilyon ang jackpot prize para sa Ultra Lotto draw mamayang gabi at ito ay itinuturing nang pinakamalaking premyo sa kasaysaya ng lotto sa bansa.
Tanghali pa lamang ay mahaba na ang pila sa loot outlets sa Kidapawan, Cotabato at maging sa Siniloan, Laguna.
Dagsa rin at halos kilometro na ang pila sa mga lotto outlets sa Metro Manila.
—-