Kabilang ang Pilipinas sa naitalang World’s Most Emotional Countries noong 2018.
Ito ay batay sa Gallup 2019 Global Emotions report kung saan lumabas na 6 sa bawat 10 Pilipino ang nakaranas ng mga positibo at negatibong emosyon.
Kasama ng Pilipinas na nakakuha ng 60% na sumagot ng ‘oo’ sa pagiging emosyonal ay ang Niger, Liberia at Ecuador.
Sinundan ito ng Costa Rica, Sierra Leone, Papua New Guinea at Peru na may 59% habang ang Nicaragua, Honduras, Sri Lanka at Guatemala ay may 58%.
Samantala, naitala naman ang pinaka maliit na porsyento o 4 sa 10 residente ng Azerbaijan, Belarus at Latvia ang nakakaranas ng anumang negatibo at positibong emosyon.