Aminado ang pamahalaan na wala itong sapat na mga trained personnel para sa mabilis na pag-responde sa isang magnitude 7.2 na lindol sakaling tumama ito sa Metro Manila.
Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama na maaaring umabot pa sa intensity 8 ang inaasahang pagyanig at maaaring kumitil ng 37,000 tao at magdulot ng daang libong mga sugatan.
Mayroon lamang 6,000 trained rescue volunteers at mga 1,000 iba pang volunteers mula sa mga barangay, fire brigades at civic organizations sa ilalim ng “oplan metro yakal,” ang earthquake contingency plan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Gayunpaman, nagpahayag ng kahandaan para tugunan ang epekto ng isang magnitude 7.2 na lindol sanhi ng paggalaw ng West Valley Fault ang mga pamahalaang panlungsod ng Pasig, Makati at Quezon.
By Mariboy Ysibido