Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon sa kustodiya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na akusado sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Magugunitang naghain ng petisyon ang pamilya Laude sa SC upang hilinging na ipiit sa regular na kulungan sa Pilipinas si Pemberton mula sa kustodiya ng Amerika.
Pinalawig naman ng Supreme Court hanggang Pebrero 19 taong 2016 ang status quo ante order ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Naglabas ng desisyon ang SC matapos maghain ng 115-page petition si Arroyo na humihiling na baligtarin ang final ruling ng Sandiganbayan 1st Division noong Pebrero na nagbabasura sa kanyang bail motion sa nalalabing plunder case laban sa kanya kaugnay sa PCSO fund anomaly.
Samantala, ibinasura rin ng Korte Suprema ang Motion for Leave to Intervene ni dating US Senator Mike Lavelle na humihiling na mapasama ito sa mga petitioner na tumututol sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3)