Naghain ng petisyon ang labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) para sa 750 pesos na national minimum wage.
Ayon kay BMP general-secretary Mike Garay, tugon ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.
Inihain ang petisyon sa regional wage boards ng anim na rehiyon kabilang ang; Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.
Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Metro Manila ay naglalaro lamang sa 500 hanggang 537 pesos kada araw.—sa panulat ni Abby Malanday