Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Gaganapin ang nasabing summit mula Mayo 26 hanggang 27.
Ayon kay Usec. Castro, ang pagdalo ng presidente sa ASEAN Summit ay bahagi ng patuloy na pakikilahok ng Pilipinas sa mga usaping may kinalaman sa ekonomiya, seguridad, at kooperasyong pang-rehiyon.
Matatandaang noong Biyernes, nagkausap sa telepono sina Pangulong Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, kung saan tinalakay ng dalawa ang mga pangunahing isyu sa rehiyon, kabilang na ang pagbangon ng Myanmar matapos ang malakas na lindol, at ang patakaran ng estados unidos sa taripa na may epekto sa kalakalan sa Timog-Silangang Asya.