Bukas si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior na magpatupad ng travel restriction mula sa China na nakararanas ngayon ng muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.
Sa isang video na ipinalabas ng Office of the Press Secretary kahapon, sinabi ni Pangulong Marcos na hangga’t nakabase sa siyensiya at kailangang ipatupad, hindi siya magdadalawang-isip na gawin ito.
Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi na kailangang pigilin ang pagpasok ng mga biyahero mula sa China lalo’t nananatiling manageable ang sitwasyon.
Dahil naman sa nakababahalang sitwasyon sa China, sinabi ni PBBM na posibleng ibalik ang COVID-19 test lalo’t mahalga ang kaligtasan ng mga Pilipino.