Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Junior na nakasubaybay siya sa mga ganap sa senado hinggil sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang senate function ang impeachment process kaya’t hinahayaan nya lamang si Senate President Chiz Escudero na pangunahan ang pagdedesisyun kaugnay sa impeachment proceedings.
Naniniwala din ang pangulo na hindi dapat maging isyu ang pagtawid ng impeachment sa susunod na kongreso mula sa 19th congress dahil kahit simulan anya ngayon ang paglilitis ay malabo pa rin itong matapos bago pumasok ang mga bagong senador.