Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mabagal ang implementasyon ng malalaking proyektong pang-imprastruktura, partikular na sa sektor ng transportasyon.
Ayon mismo sa Pangulo, talagang malaking delay sa right of way ang naging dahilan ng pagkaantala ng ilang flagship projects.
Gayunman, natural lamang aniya ang pagkaantala dahil sa lawak at kumplikadong proseso ng mga ito, halimbawa na lamang ang mga malaking proyekto gaya ng subway, riles, at flyover, na kinakailangang sumunod sa mahahabang proseso at matinding koordinasyon sa iba’t ibang ahensya.
Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang mga kaukulang kagawaran na pabilisin at pag-ibayuhin ang aksyon sa implementasyon ng mga proyekto.
Isang halimbawa nito ang inilunsad na Flagship Project Management Office ng DOTR, na inuuna ang mahahalagang transport network, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos, upang maibsan ang suliranin sa trapiko at mapabuti ang transportasyon sa bansa.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)