Hindi pa umano napapanahon para pag-usapan ang pagtuturok ng booster shot sa bansa.
Ito’y ayon kay Dr. Edsel Salvania, infectious disease expert at member ng DOH technical advisory group, at sinabing mas makabubuti kung ilalaan ang mga COVID-19 vaccine sa mga hindi pa natuturukan sa halip na gamitin ang suplay bilang booster shot.
Ayon pa kay Salvania, mas magiging bentahe ito para mas marami ang maging ligtas laban sa COVID-19.
Dagdag pa ng eksperto, mas mahalaga rin na unahin ang pagbabakuna sa mga bata dahil mayroon pa ring tyansa na mahawa at makahawa ang mga ito ng virus bagama’t mababa ang risk sa mga ito.
Giit pa ni Salvania, kung mabibigyan ng proteksyon ang mga nasa vulnerable population ay mas kakaunti ang pwedeng tamaan ng COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico mula sa ulat ni Jenny Valencia Burgos