Umusad na ang informal at paunang pag-uusap sa pagitan ng CPP-NDF at mga negosyador ng Duterte administration.
Inilatag sa pag-uusap kung paano muling sisimulan ang peace negotiations, pagbibigay ng amnestiya para sa mga komunista at tigil putukan.
Tiniyak ng Norwegian facilitiator na hahayaan nila ang dalawang panig ang magmaneho sa patutunguhan ng pag-uusap.
Nagpasalamat naman si Jose Maria Sison, founding Chairman ng CPP NDF sa panibagong oportunidad na ibinigay sa kanila ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nasa Oslo Norway para sa exploratory talks sina Incoming Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at incoming Labor Secretary Silvestre Bello lll.
By Len Aguirre