Dinepensahan ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III ang paglalagay ng yellow ribbon sa mga bahay na mayroong nakatirang positibo sa COVID-19.
Ayon kay Ponce, wala siyang nakikitang diskriminasyon o paglabag sa karapatang pantao sa kanilang hakbang na ito.
Ani Ponce, posible ang diskriminasyon o paglabag kung umayaw ang residente at pinilit ito, ngunit kung parehas silang nagkasundo ay walang siyang nakikitang problema rito.
Giit ng opisyal ang paglalagay ng ribbon ay bahagi ng pagpapatupad ng granular lockdown upang mas maging epektibo ang monitoring na ginagawa ng mga kinauukulan.