Umapela si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na pataasin ang COVID-19 testing capacity at dagdagan ang suplay ng bakuna sa mga probinsya na nakararanas ng mataas na kaso ng COVID-19.
Giit ng bise-presidente, dapat na maabot ng bansa ang 5% positivity rate o bilang ng mga natutukoy na positibo sa virus mula sa mga sumailalim sa COVID-19 testing.
Nagsimula na rin aniya ang pagbabakuna sa A5 priority group sa metro manila, ngunit may mga probinsyang hindi pa tapos sa A2 group o senior citizens.
Tiniyak naman ni Robredo na handa ang kaniyang tanggapan na dalhin sa mga probinsya ang swab cabs na nagbibigay ng libreng COVID-19 antigen tests. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico