Kumbinsido ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga ginagawang hakbang ng toll operators upang agad na masolusyunan ang problema sa Radio-Frequency Identification (RFID) sa mga tollway.
Ito’y ayon kay TRB Executive Director Abraham Sales makaraang suspindehin ng Valenzuela City LGU ang business permit ng manila north tollways corp na siyang nagpapatakbo sa North Luzon Expressway (NLEX) sa kanilang nasasakupan.
Giit ni Sales, inaasahan naman na ng toll operators ang mga aberyang kakambal ng pagpapatupad ng bagong sistema tulad ng depektibong RFID stickers gayundin ang palyado ng reader o scanner nito.
Gayunman, sinabi ni Sales na maaari nilang ipataw ang parusa laban sa mga toll operator kabilang na rito ang pagbawi sa kanilang operations permit na tiyak namang daraan pa rin sa kaukulang proseso.