Ilang oras na lang ay magsisimula na ang Papal Conclave, ang botohan ng 133 cardinal-electors para sa susunod na Santo Papa. Sa bilang na ito, 80 ay mula sa labas ng Europa, na inaasahang magdadala ng international perspective sa halalan.
Ipinapakita sa ilang pahayagan ang mga larawan ng mga cardinal na may mataas na tsansang mahalal—at ang proseso ng pagboto sa loob ng Sistine Chapel. Nananawagan ang mga cardinal ng panalangin para sa kanilang mahalagang tungkulin.
Nakatutok ang mundo sa magiging resulta ng makasaysayang pagpili.