Nag-iikot na ngayon ang PAO o Public Attorney’s Office sa mga bilangguan para tukuyin ang mga karapat-dapat na preso para palayain sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA Law.
Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda – Acosta, may mga napalaya na sila noon sa ilalim ng GCTA Law at ito aniya’y sumailalim sa masusing pag-aaral at assessment.
Kasunod nito, ikinatuwa ni Acosta ang pagharang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez dahil sa mga kasong rape at double murder.
Upang matiyak aniya na ang mga karapat-dapat lang na mga preso ang mapapalaya sa ilalim ng GCTA, sinabi ni Acosta na nakatakda silang magsumite sa Department of Justice ng kanilang listahan sa Martes, Agosto 27.