Mahigpit na tinututukan ng mga otoridad ang pinsan ni Angelica Pestallos na kasalukuyang nasa ospital at may sintomas ng severe dengue.
Ito’y matapos maturukan din ng anti-Dengue vaccine na Dengvaxia ang pinsan ni Pestallos gayung wala naman itong history ng nasabing sakit.
Magugunitang isinalang sa forensic examination ng PAO o Public Attorney’s Office ang labi ni Pestallos nang masawi ito dahil sa pagkakaroon ng severe dengue.
Ayon kay Dr. Erwin Efre, pinuno ng forensics division ng PAO, may nakita silang mga senyales ng severe Dengue kay Angelica tulad ng pagdurugo ng bibig, gilagid at tiyan gayundin sa baga.
Kasunod nito, naglabas naman ng sama ng loob si PAO Chief Percida Rueda Acosta sa DOH o Department of Health makaraang pagdudahan ang kanilang naging hakbang.