Binago na ng Department of Education (DepEd) ang panuntunan sa pagsuspinde ng pasok sa klase at trabaho tuwing may storm signals, rainfall, lindol at pagbaha.
Sa DepEd order 37 na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, sususpindihin na ang klase sa isang lugar kung apektado ito ng inilabas ng signals 1, 2 ,3, 4, 5 ng PAGASA.
Wala ring pasok ang mga mag-aaral kung maglalabas ng yellow, orange, red rainfall, at flood warning ang pagasa na nakasakop sa kanilang lugar.
Kung maglalabas naman ng rainfall o flood warning ang PAGASA at nasa paaralan na ang mga mag-aaral, otomatikong suspendido ang klase.
Hindi sakop ng kautusan ang mga private schools, community learning centers, state and local universities and colleges dahil desisyon na ng mga ito kung susunod sa panuntunan.
Samantala, sa panahon ng lindol sinabi ng deped na susunpidihin lamang ang klase kung idineklara ng PHIVOLCS ang intensity 5 pataas sa isang lugar.
Gayunman, may kapangyarihan pa rin ang mga LGUs na magsuspinde kung mababa sa intensity 5 ang PHIVOLCS earthquake intensity scale.