Suportado na ng super-majority sa kamara ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.
Sa pagtaya ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo, isa sa author ng House Bill 6608 o Sovereign Wealth Fund, dalawandaan labing-anim na mambabatas na ang naki-akda sa nasabing panukala.
Upang tuluyang mapagtibay sa mababang kapulungan ng kongreso, kailangan ng MIF Bill ng boto o suporta ng mayorya ng mga solon o kalahati sa tatlundaan labindalawang kongresista.
Positibo naman si Manila 5th District Rep. Irwin Tieng, Chairman ng House Commitee on Banks and Financial Intermediaries, na marami na sa mga mambabatas ang naiintindihan ang layunin ng MIF na inindorso ni Pangulong Bongbong Marcos.
Itinanggi rin ni Tieng na mayroong political pressure sa pag-apruba sa bill dahil pinag-aralan nila ito at naglagay ng safeguards.
Nitong Lunes, Disyembre a – 12 sinimulan ng Kamara ang deliberasyon sa plenaryo ng MIF.