May kapangyarihan na si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagtataas ng premium contributions ng Social Security System (SSS) ngayong taon.
Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11548 kung saan ang pagpapaliban sa pagtataas sa SSS contribution ay magiging epektibo habang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa COVID-19.
Nakasaad dito ang pag-amyenda sa RA 11548 ang RA 11199 o Social Security Act na pinapayagan ang social security commission na nagsisilbing governing body sa SSS na ipatupad ang contribution rate hike.
Batay sa RA 11199 ipinataw ang one percent contribution increase sa mga SSS members kada dalawang taon simula noong 2019 hanggang 2025.
Ibig sabihin nito ang contribution rate ng mga miyembro ng SSS ay tataas ng 13% simula Enero 2021 mula sa contribution rate ng 12% noong 2020.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 929 na nagdedeklara ng nationwide state of calamity bunsod ng COVID-19 pandemic.