Aabot sa 54 ang bumotong pabor; 6 ang tumutol; habang 4 naman ang nag-abstain para i-akyat ang deliberasyon sa plenaryo ng Kamara kaugnay sa panukalang pambansang pondo na nagkakahalaga ng mahigit P6.7 trillion.
Una nang inaprubahan ng executive committee ang mga amyendang inilatag ng Budget Amendments Review Sub-Committee, kabilang na ang P255 billion na pondong tinapyas mula sa flood control projects ng DPWH at na-reallocate o inilipat ito sa ibang departamento.
Tiniyak naman ni House Appropriations Committee Chairperson Mikaela Suansing na tanging “institutional amendments” at walang “congressional insertions” ang mga inaprubahang amyenda sa Kamara.