Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napapaulat na umano’y pag-atras ng suporta sa kaniya ng isang grupo ng mga retiradong heneral at opisyal ng militar dahil sa kaniyang posisyon sa China.
Ayon sa Pangulo, sa isang isinagawang command conference kasama ang mga militar, nagsumite sa kaniya si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng isang dokumento na naglalaman aniya ng mga ginawang kabalastugan.
Hindi naman na idinetalye pa ng Pangulo maging ni Lorenzana ang nilalaman ng naturang dokumento at kung sino ang nasa likod nito.
Kaugnay nito, ipinaalala ng Pangulo ang kaniyang mga naunang pahayag kung saan kaniyang sinabi na kung tumindig na laban sa kaniyang pamumuno ang mga sangay ng AFP, handa siyang magbitiw sa pwesto at umuwi ng Davao City.
Ibig sabihin I do not have the support of the military, and so ganoon kasimple if we cannot work together on bigger things what’s the point? Sinabi ko talaga sa kanya, do not work when I am not needed. Then kayo na mag-explain , explain to the Filipino people bakit ganon”,pahayag ng Pangulo.
Giit ng Pangulo, wala nang saysay kung mawawala rin naman ang kooperasyon sa kaniya ng armed forces.
If I cannot have the cooperation of the armed forces then theres no point of working this government. Kasi ako, lahat ng ano ko military, dahil kung umasa ako sa sibilyan, patay ang sibilyan. Kaya I want all things done military talaga yan, ”ani ng Pangulong Duterte