Nangangamba ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magkaroon ng magandang resulta ang peace talks sa Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF.
Ayon sa Pangulo, kung dati ay positibo siyang magiging matagumpay ang usapang kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF at MILF, ngayon aniya ay may pag-aalinlangan na sa kanyang panig lalo’t patuloy aniya sa pag-aagawan ng kampo ang naturang mga rebeldeng grupo.
Sa kabila nito, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga pulis na may kapayapaan man o wala ay ipagpatuloy lamang ang kanilang mga tungkulin.
Tiniyak naman ng Pangulo na pamahalaan ang bahala sa pamilya ng mga alagad ng batas na malalagay sa alanganin ang buhay sa pagbibigay proteksyon sa mamamayan.
By Ralph Obina
Pangulo may alinlangan na sa MILF at MNLF peace talks was last modified: May 6th, 2017 by DWIZ 882