Ipinaalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS )na nananatili pa rin ang banta ng panganib sa bulkang Mayon.
Ito ay matapos makapagtala lamang ang bulkan ng isang pagyanig sa nakalipas sa 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, bagaman isang pagyanig ang naitala sa bulkan ay higit itong mapanganib lalo na sa paanan.
Binabantayan din ng PHIVOLCS ang maninila channel sa barangay San Francisco at karatig-barangay sa bayan ng Guinobatan.
Sa ngayon, hindi masyadong nakikita ang tuktok ng bulkan, dahil maulap pa rin sa bisinidad nito dala ng panaka-nakang pag-ulan sa lugar.
Samantala, mahigpit ding binabantayan ng PHIVOLCS ang lava dome na patuloy na lumalaki at tumataas.
Paalala pa ng phivolcs, patuloy na iwasan ang 6 km radius permanent danger zone ng bulkan.