Pinawi ng isang technology editor at cybersecurity expert ang pangamba ng publiko sa inaasahang distributed denial of service o isang cyberattack bukas, Nobyembre a-singko.
Ayon kay Art Samaniego, hindi ito data breach at wala ring mananakaw na personal accounts, data, o pera.
Binigyang-diin ni Samaniego na wala dapat ikapangamba ang publiko, lalo na kung sinusunod ng isang indibidwal ang proper internet at online hygiene.
Kabilang na rito ang paggamit ng malalakas at kakaibang passwords; paggamit ng multi-factor authentication; pag-update sa lahat ng mga software at devices; at pagiging alerto laban sa mga phishing attempts sa pamamagitan ng hindi basta-basta pagpindot sa mga kahina-hinalang links.
Tiniyak naman ni Samaniego na gumagawa na ng mga paraan ang pamahalaan para matiyak na ligtas ang mga netizens sa anumang banta ng cyberattacks.




