Pinag-tuunang pansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa harap ng mga Pilipino at American businessman ang pagiging steady partner ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa aktibidad na ginanap sa New York Stock Exchange, sinabi ni Pangulong Marcos na nakahanda ang bansa na ipagpatuloy at panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa Amerika, lalo na sa larangan ng pagnenegosyo.
Ibinida rin ng Pangulo ang workforce ng bansa na aniya’y isang asset sa gitna ng patuloy na paghimok sa mga investor na mamuhunan sa Pilipinas.
Tiwala naman ang Punong Ehekutibo na magtutuloy-tuloy ng mahabang panahon ang magandang ugnayan ng Pilipinas at US, at asahan na rin aniya na lalakas pa ang relasyon ng dalawang bansa partikular na sa larangan ng politika at economic diplomatic relations.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)