Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtutuloy-tuloy ang pagbabantay nila sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong pumasok na ang bagong administrasyon ni Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, layun nito na mapigilan ang mabilis at hindi makatarungang pagtataas ng halaga ng mga basic commodities.
Giit ni Castelo, titiyakin nilang nasusunod ng maayos ang kanilang mga tungkulin na bantayan ang presyo ng mga bilihin sa mga merkado.
Hinimok naman ng DTI official ang publiko na bisitahin ang kanilang E-presyo app upang malaman ang tamang halaga ng mga produkto.
Maari din aniyang maghain ng reklamo gamit ang app na ito, o kaya’y mag-post ng kani-kanilang mga komento.