Irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa administrasyong Marcos ang pananatili ng alert level system sa bansa sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay nagsisilbing gabay para malaman kung ano ang aksyon na dapat gawin ng kagawaran base sa risk level ng mga lugar sa bansa.
Paliwanag niya na ang pamahalaan ay nakararanas ng hamon sa pagsasailalim ng lahat ng lugar sa Alert level 1 bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mababang vaccination turnout sa ilang rehiyon.
Sinabi naman ni Vergeire na imumungkahi ni health secretary Francisco Duque III sa susunod na administrasyon ang pagpapatuloy ng ilang programa para sa health status ng bansa kabilang na rito ang pagpapaigting ng kampanya sa COVID-19 vaccination drive