Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng mga transition shelter sa mga residenteng naapektuhan ng limang buwang digmaan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Tinatayang 250 Certificates of Acceptance at Occupancy ang ipinamahagi ng Pangulo sa mga apektadong residente bilang bahagi ng pagbangon ng Marawi.
Sa kanyang pagharap sa mga residente sa Barangay Sagonsongan, umapela si Pangulong Duterte sa mga ito na huwag ng hayaang makapasok muli sa kanilang komunidad ang mga terorista.
Magugunitang sinisi noon ng Pangulo ang mga residente dahil sa pagpapahintulot na makapasok sa lungsod ang mga armadong lalaki hanggang sa hindi na ma-control ang sitwasyon na nauwi sa pinaka-mahabang urban warfare sa kasaysayan ng bansa.