Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaan sa muling pagbubukas ng Boracay sa Oktubre 26.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat, may mga inihain ng panuntunan ang ahensya na istriktong ipapatupad oras na muling tumanggap ang naturang isla ng mga bisita.
Guidelines on the soft opening, wala ng ‘Laboracay’, because this would attract 70,000 tourists, napakarami definitely hindi kakayanin ng isla… then no smoking or drinking sa public beach… Bawal magtapon ng basura kung saan saan.. katuwang namin ang PNP dito, tourist cops sila ang tutulong sa amin na magpatupad ng guidelines. Pahayag ni Puyat
Dagdag pa ni Puyat, soft opening at first phase pa lamang ang magaganap na pagbubukas sa Oktubre. Payo rin ni Puyat sa mga bibisita, asahan na hindi na hindi pa nila makikitang ganap na kumpleto ang isinagawang rehabilitasyon.
October 26 ang soft opening. 1st phase pa lang ito dahil mahirap mag-rehabilitate ng isla for 6 months that’s under the state of calamity. 2nd phase will be on April 2019 and 3rd phase on December of 2019. Sa mga gustong bumisita, hindi pa nila makikita na kumpleto. Sewerage system is still on the process. Paliwanag ni Puyat
Matatandaan na inilabas na ng DOT ang inisyal na listahan ng mga accommodation establishments na pinahihintulutang mag-operate sa isla sa muling pagbubukas nito.