Inihayag ng Department of Health (DOH) na naghahanda ang gobyerno para sa tinatawag nitong pagbabago sa “new normal.”
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga paghihigpit ay magiging napaka-espesipiko at limitado sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Dadag pa ni Vergeire, na ang mga limited capacity sa mga establisyimento ng negosyo, panloob man o panlabas, at sa pampublikong transportasyon ay aalisin.
Samantala, binigyang-diin ng opisyal, na patuloy pa ring sundin ang minimum public health standard laban sa virus sa kabila ng unti-unitng pagluwag ng mga restriction sa bansa. —sa panulat ni Kim Gomez