Kukuha ng “social mobilizers” ang gobyerno para ipaalam sa komunidad ang mga benepisyo at posibleng epekto ng mga bakuna bago magsagawa ng house-to-house inoculation sa mga lugar na mababa ang vaccination coverage.
Ayon kay Department of Health undersecretary Myrna Cabotaje, magha-hire ang kagawaran ng mga nasabing indibidwal sa susunod na linggo sa tulong ng mga partner tulad ng UNICEF sa pamamagitan ng relief international.
Iginiit naman niya na walang eksaktong bilang kung gaano karaming doses ng COVID-19 ang mawawalan ng bisa sa Hulyo.
Nabatid na ihayag ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na mayroong 27 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang mag-e-expire sa July.