Nilinaw ng Malacañang na walang panawagan ang Pilipinas para sa anumang foreign assistance, sa kabila ng matinding pinsalang tinamo ng maraming lugar sa bansa matapos tumama ang bagyong Tino.
Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na meron pang pondo ang pamahalaan para tugunan ang epekto ng kalamidad.
Sapat anya ang Quick Response Fund na maaaring i-replenish kung kukulangin.
Ayon pa kay Usec. Castro, maging ang mga lokal na pamahalaan na mangangailangan ng karagdagang pondo ay makaaasa ng tulong mula sa national government.




