Nilinaw ng Malacañang na wala sa kasalukuyang agenda ng administrasyon ang muling pagpapatupad ng death penalty, sa kabila ng mga panawagang parusahan ng kamatayan ang mga sangkot sa korapsyon.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, dapat timbangin nang mabuti ang ganitong panukala upang maiwasan ang pang-aabuso at ang posibilidad na may mga inosenteng maparusahan.
Binanggit ni Usec. Castro na dapat manatiling maayos at tapatang “five pillars” ng justice system — ang law enforcement, prosecution, judiciary, corrections, at community bago muling isaalang-alang ang pinakamabigat na parusa sa batas.
Binigyang-diin ng Palace official na hindi maaaring maulit ang mga nakaraang kaso kung saan ginagamit ang sistema para gumawa ng intriga o magtanim ng ebidensya. - sa panulat ni John Riz Calata




