Hindi kailangang mamili ng mga Pinoy kung ano’ng bakuna kontra COVID-19 ang kanilang matatanggap.
Ito’y ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maaaring maging “choosy” ng mga Pinoy pagdating sa pagpili ng COVID-19 vaccine.
Paliwanag ni Vergeire, hindi na kailangang mamili pa ang taumbayan dahil oras aniya na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng mga bakuna ay pare-pareho na itong ligtas at epektibo.
Dagdag pa nito, titiyakin aniya ng FDA na ligtas at epektibo ang lahat ng bakunang dadaan sa ahensya at papasok sa Pilipinas.
Binigyang diin din ni Vergeire na ang pinakaepektibong paraan pa rin upang mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19 ay ang pagpapabakuna laban dito.