Sinuspinde ng Philippine Airlines (PAL) ang lahat ng natitira nitong mga international flights sa harap ng banta ng COVID-19.
Ayon sa PAL, epektibo ang suspension ng byahe nila mula ika-26 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril.
Ito’y bunsod anila ng mabusising pag-aaral ng pamunuan na inihinto muna ang kanilang international flights dahil paunti ng paunti ang mga bumabyahe dahil sa mas pinaigting na pagsasara ng borders ng iba’t-ibang bansa dahil sa banta ng COVID-19.
Dagdag pa nito, ang huling byahe mula Maynila, ay PR 104 papuntang San Franciso sa Amerika ganap na alas 10:10 ng gabi, ika-25 ng Marso.
Samantala, tuloy pa rin ang pagdating ng byahe mula Los Angeles, Tokyo Narita, Jakarta, New York JFK, at San Francisco dito sa Maynila mula ika-26 hanggang ika-27 ng Marso.
Sa panulat ni Ace Cruz.