Kinontra ng Malakaniyang ang claim ng ilang media groups na nalampasan ng bilang ng media killings sa ilalim ng Duterte Administration ang mga insidente nito sa ilalim ng apat na pangulo bago pa ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bumaba pa ang bilang ng patayan sa bansa na naging daan din para bumaba ang antas ng Pilipinas sa listahan ng mga pinaka mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag.
Sinabi ni Roque na nais niyang malaman kung ano ang kahulugan ng pag atakeng tinutukoy sa report na inilabas ng ilang media groups kasabay ng paggunita sa World Press Freedom Day.
Posible aniyang isinama sa report maging ang verbal attacks kaya’t dapat linawin kung anong klaseng pag atake ang tinutukoy dito.
—-