Papayagan ng COMELEC ang poll watchers na mag Facebook Live o i video ang bilangan sa loob ng presinto sa barangay at sangguniang kabataan election.
Ito ayon sa COMELEC ay basta’t hindi nakakasagabal ang pagvi video ng poll watchers sa electoral board o nagsisilbing taga bilang ng mga boto.
Gayunman, nilinaw ng COMELEC na bawal kunan ng video o larawan ang mga botanteng nagsusulat sa balota o kasalukuyang bumoboto sa loob ng polling precinct.