Kapwa kinontra nina Senador Antonio Trillanes at Senador Koko Pimentel ang naging pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi pa maaaring kasuhan sa ngayon si Vice President Jejomar Binay hangga’t ito’y nananatiling impeachable official.
Ayon kay Pimentel, dapat na paghiwalayin ang konsepto ng impeachment at immunity from suit.
Ang impeachment, aniya, ay ukol sa pagpapatalsik sa puwesto sa isang opisyal ng gobyerno habang ang immunity from suit ay ukol sa pananagutan sa isang krimen na nagawa.
Giit ni Pimentel, no one is above the law kahit pa ang pangulo at lalo pa ang pangalawang pangulo.
Iginiit din ni Trillanes na tutol ito sa sinabi ng Ombudsman dahil katumbas ito ng pagbibigay ng lisensya sa isang impeachable official na gumawa ng krimen.
Naniniwala si Trillanes na applicable ang sinabi ni morales sa mga minor offense lamang.
By Avee Devierte | Cely Bueno (Patrol 19)