Nilinaw ng Department of Education (DEPED) na wala pa silang hawak na kongkretong detalye kaugnay sa posibleng pagtuturo ng ASEAN language sa mga paaralan.
Ayon kay DEPED Spokesman Michael Poa, pinaplano pa nila ang pagtuturo ng karagdagang lenggwahe sa mga mag-aaral.
Una rito, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa 55th Founding Anniversary ng ASEAN, na isinusulong niyang ituro ang ginagamit ng wika ng mga bansa sa Southeast Asia partikular sa mga mag-aaral sa unibersidad.
Maliban sa wikang Ingles at Tagalog, mas mahahasa pa aniya ang isipan ng mga mag-aaral kung mapag-aaralan ang iba pang wika.