Ikinababahala ng OCTA Research Group ang patuloy na pagtaas ng hawaan ng COVID-19 sa lalawigan ng cebu kabilang ang Cebu City.
Ayon sa OCTA Research Group, tumaas sa 1.7 ang reproduction number ng coronavirus sa Cebu province sa nakalipas na linggo.
Mas mataas pa anila ito sa reproduction number sa buong bansa na umaabot sa .96.
Batay rin sa pinakahuling report ng OCTA Research Group, pumapalo sa 147 ang average ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng cebu kada araw, sa nakalipas na linggo.
Animnapu’t pitong (67) porsyentong mataas ito sa naitalang mga bagong kaso sa mga naunang linggo.
Maliban pa rito, umabot rin sa 6% ang positivity rate sa Cebu City, sa mga nakalipas na linggo.