Alang alang sa kinabaukasan ng mga bata makabubuting alamin ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na bata.
Ito ang inihayag ni Senator Nancy Binay sa pagsusulon na imbestigahan ng senado ang report ukol sa nakaaalarmang pagtaas ng bilang ng mga batang nagbubuntis.
Nais ni Binay na marepaso ang mga polisiya at programa ng gobyerno para mapigilan ang maagang pagbubuntis ng mga bata.
Sa senate resolution number 650 ni Binay, tinukoy ang report ng Philippine Statistics Authority na may 62,510 na 14 anyos pababa na nanganak nung 2019
Tumaas ito ng 7% kumpara sa dami ng mga kabataan na nabuntis at nanganak noong 2018.
Sa nasabing report, sa CALABARZON, National Capital Region at Central Luzon may pinakamaraming nanganak na katorse anyos pababa
Sa report ng United Nations Population Fund, nakasaad na isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga batang babae ang maagang panganganak.
Naapektuhan din ang kanilang kalusugan, pag-aaral at pagkakataon na makakuha ng maayos na trabaho. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)