Paiigtingin pa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang paninita sa mga lumalabag sa health protocols kontra COVID-19 kasabay ng pagbaba ng alert level sa NCR.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, maging ang mga bata ay sisitahin at hindi aniya sila maaaring magpagala-gala ng walang kasama.
Nabatid na sa unang apat na araw ng alert level 3 sa Metro Manila ay umabot sa 9,190 ang bilang ng mga nahuli ng PNP kung saan karamihan sa mga ito ay lumabag sa protocols.
Umaasa naman ang mga opisyal na kasabay ng pagbaba sa alert level ay paiigtingin ng publiko ang pagsunod sa health protocols.—sa panulat ni Hya Ludivico