Nanawagan ang political analyst na si Professor Dennis Coronacion na isa-publiko ng binuong Independent Commission for Infrastructure ang kanilang mga pagdinig.
Sa gitna na rin ito nang nagpapatuloy na pagdinig ng dalawang kapulungan ng Kongreso na isinasapubliko.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Prof. Coronacion na marami pa ang dapat mapangalanan sa isyu ng mga maanomalyang flood control projects.
Umaasa rin si Prof. Coronacion na may mapapala sa imbestigasyon ng mga maanomalyang flood control projects.—sa panulat ni Anjo Riñon




