Puspusan na ang ginagawa ng Malakanyang para maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa Kongreso bago magtapos ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino sa June 2016.
Sinabi ng pangulo na lahat ng direksiyon ay ginagawa na ng administrasyon para ganap na maging batas ang BBL sa susunod na taon.
Katunayan, nakipagpulong na rin umano ang punong ehekutibo sa mga retiradong heneral na kumokontra sa naturang panukalang batas.
By: Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)