Ipinagpaliban ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang full implementation ng HOV o High Occupancy Vehicle Traffic Scheme sa EDSA.]
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang desisyon nilang kanselahin ang HOV policy ay kasunod na rin ng resolusyon ng senado na kumokontra sa naturang traffic scheme dahil sa reklamo na rin ng mga motorista.
Gayunman, nilinaw ni Garcia na tuloy pa rin ang dry run ng HOV traffic scheme tuwing rush hours hanggang August 22.
Sa ngayon ay hihintayin na lamang muna aniya nilang mag convene at mag desisyon ang MMC o Metro Manila Council na may kapangyarihang ipatigil o baguhin ang nasabing traffic scheme.