Nire-review na ng Philippine National Police ang pagkakaroon ng internal disciplinary machine sa kanilang ahensya para malimitahan ang pagkakasangkot ng mga pulis sa katiwalian.
Kasunod ito ng magkakasunod na reklamong natanggap ng National Police Commission dawit ang mga pulis at opisyal ng PNP.
Ayon kay PNP Chief General Nicolas Torre III, layunin ng hakbang na maresolba ang mga naturang isyu at madisiplina ang mga pulis sa mga iregularidad.
Anya, bahagi ito ng mas malawak na reporma ng PNP upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa kapulisan.
Kaugnay nito, tiniyak ng PNP na bukas ang kanilang hanay sa lahat ng hakbangin ng Napolcom at kinikilala ang komisyon bilang mahalagang bahagi ng kanilang internal disciplinary action.
—sa panulat ni Daniela De Guzman