Pansamantalang ititigil ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter’s registration sa Oktubre 12 hanggang 16.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ito ay upang bigyang daan ang filing ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa eleksyon 2016.
Kaugnay nito, hinikayat ni Bautista ang botante na huwag nang antayin pa ang deadline sa October 31 bago magparehistro o kaya naman ay magpa-validate ng kanilang biometrics.
Paalala naman ni Bautista sa mga dating absentee voters na nagnanais na bumoto locally sa darating na eleksyon na mayroon na lamang hanggang October 12 at hindi sa October 31 ang deadline para magpalipat ng rehistro.
By Rianne Briones