Dumistansiya sa mungkahi ng isang kongresista ang malacañang kaugnay sa pagpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang gawing Ferdinand E. Marcos international Airport.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi magkokomento ang Malacañang sapagkat hindi pa naman nasimulan ang first reading o naaksiyonan ang panukalang batas na inihain ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.
Sinupalpal naman ng opisyal ang kritisismo ng ilan na maraming mas importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa ang pagpapalit sa pangalan ng nasabing paliparan.
Iginiit ng kalihim na hindi sila papatol sa mga puna dahil hindi ang Malacañang ang naghain ng naturang panukalang batas sa kongreso.