Pag-aaralan ng Malakaniyang ang hirit ng mga negosyante at labor leaders kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng Executive OrderĀ para maipagpaliban ang pagtataas sa monthly Social Security System o SSS contributions ng mga manggagawa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya tiyak kung kakayanin ng isang EO na ipagpaliban ang pagtataas ng kontribusyon.
Sa tingin aniya ni Roque ay kailangan itong pag-aralan ng ehekutibo dahil posibleng kailanganin nito ng isang batas.
Batay sa joint letter ng mga grupo ng business at labor leaders, ang pagpapalabas ng EO ang magbibigay daan sa mga micro, small at medium enterprises na makabangon at maipagpatuloy ang operasyon ng kanilang negosyo sa gitna ng patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic.